MANILA – Iminungkahi sa pamahalaan ng dalawang kongresista na pag-aralan na ang magiging negatibong epekto sa ekonomiya ng patuloy na paglakas ng piso kontra sa dolyar.
Kabilang sa pinuna ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles ang magiging epekto ng paglakas ng pisa sa dollar reserve at ipinapadalang remmitances ng mga overseas Filipino workers (OFWs).
Bukod sa mga OFWs at pamilya nila, idinagdag ni Nograles na tiyak na may masamang epekto ang paglakas ng piso sa export sector na nagbibigay ng kontribusyon sa ekonomiya na umaabot sa $4.7 bilyon bawat taon.
Maging ang Business Process Outsourcing(BPO) industry, o mga call centers na nagpapasok ng $7 bilyong kita bawat taon ay maaapektuhan ng paglakas ng piso laban sa dolyar, ayon sa kinatawan ng Davao City.
“I think the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) should pay a very close attention to this upward trend because many key industries are at stake. This early, the BSP should already figure out possible solutions on problems arising from the continuing escalation of the Philippine peso, " payo niya.
Nitong Biyernes, nagsara ang palitan ng piso laban sa doryar na P43.010-$1.
Maging si Kasangga party-list Rep. Teodorico Haresco, ay naniniwala na hindi lubos na magandang balita ang dala ng paglakas ng piso laban sa dolyar pagdating sa usapin ng ekonomiya.
“ A stronger currency should not be equated with good economy because it can be the opposite depending the prevailing economic trend. A runaway currency especially in a country that is largely dependent on the remittances of its migrant workers can be devastating," paliwanag ni Haresco, isa ring economic analyst at micro-entrepreneur.
Nagkakaisa ang dalawang mambabatas na sa halip na labanan ng “market forces" para pigilan ang paglakas ng piso, mas makakabuti umanong pag-isipan na lang ng pamahalaan ang ibang pamamaraan upang matulungan ang mga sektor na apektado ng malakas ng piso.
Isa na rito ang pagtatatag ng Foreign Exchange Risk Insurance system na maaari umanong gamitin ng mga exporters at mga OFWs para maprotektahan ang kanilang pananalapi mula sa pabago-bagong palitan ng piso.
Dapat din umanong higpitan ang mga foreign portfolio investments o mga puhunang inilalagak sa mga stocks, bonds at company shares. Kasabay nito ang pagtatatag ng export guarantee fund na mag-aalok ng mababang interes sa pautang para
sa mga exporters, at katulad na programa para naman sa mga OFW. - GMANews.TV
No comments:
Post a Comment