GMANews.TV
Para sa akin, isa sa kahulugan ng salitang "Abroad" ay ang "Pagbabago." Pagbabago sa hangarin na matupad ang mga pangarap sa buhay at pangarap para sa pamilya.
Subalit ang pagkamit sa pangarap ay nagiging praktikal sa iba. Ang buhay abroad ay pagbabago ng buhay o lifestyle ika nga. Isa itong karapatang para magbago ‘di lamang pang-personal kundi para sa pamilya.
Dahil ang praktikal na pagbabago sa buhay, sa pag-uugali, dating pakikitungo sa kapwa, at pagtanaw sa pinanggalingan ay kasama na ring nabago ng lifestyle na hiram.
Pagbabago na kung saan ang isang tao, na kapag nagka-pamilya sa abroad ay nalimot na o hindi na marunong ituro sa anak o sa loob ng pamilya ang aral o kulturang Pinoy. Oo nga naman, dapat lang na ang pag-aaral sa bagong kulturang kinagisnan ang dapat maituro. Kasi iyan na mismo ang kanilang nasyonalidad.
Pero naisip ba natin na meron pa rin tayong mga kababayang nasa abroad na nakararami at dala-dala pa rin ang kulturang Pinoy hanggang sa pinakadulo ng kanilang pamilya? Hindi ba masagi sa isipan natin na kapag nagsama-sama ang ating pamilya, sa pamilya na may kulturang- Pinoy ay hindi kaya maging alienated na ang labas nila?
Pagbabago na ‘di lamang pangsarili at sa pamilya nagagawa. Pagbabago na inaasam ng bawat Pilipino para sa mga ahensya ng gobyerno na mabago ang sistema.
Ang praktikal na paggastos ay sinasamahan pa ng imoralidad na gawain…sige ang bira saan man mapadpad dahil ang nasa isip ay meron naman trabaho at dolyar ang kapalit. Do the cycle of lifestyle, ganun at ganun pa rin ang kalalabasan. Hanggang sa ang pagsisi ay nasa bandang huli.
Pagbabago na ‘di lamang pangsarili at sa pamilya nagagawa. Pagbabago na inaasam ng bawat Pilipino para sa mga ahensya ng gobyerno na mabago ang sistema. Upang ang salitang "Abroad" ay di na hahanapin pa ng mga kababayan natin na naghahangad ng magandang kinabukasan para sarili at sa pamilya.
Nakalulungkot isipin na ang sariling bansa ay iniiwanan na ng mga naggagalingang mga Pilipino sa dahilang kulang at di- maibigay ang hinahangad na suporta para sa hangarin ng bawat Pilipino na matupad ang pinapangarap na buhay. Malayo man sa topiko, maraming kritiko ang nagsasabing tayo ay tuluyan nang napag-iwanan sa kaunlaran kumpara sa mayroon ang kalapit bansa, at di lamang sa rehiyon ng Asia.
Abroad, napakaluwang ng kahulugan pero ito ay natutuldukan sa iisang kahulugan lamang, ang "MAG-ABROAD."
Peace po sa lahat!... :)
anyone interested to learn this innovative way of communication, and earn at the same time, please pm me.
ReplyDeletehttp://213914.myvideotalkstudio.com/streaming/pages