Wednesday, January 5, 2011

Mother of slain 'Baywalk Bodies' member appeals for witnesses

Nakiusap ang ina ng pinaslang na miyembro ng “Baywalk Bodies" na si Rejoice Rivera na tulungan sila sa paghahanap ng katarungan sa kanyang anak.

Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing nagbigay na ng pahayag sa pulisya ang ina ni Rejoice (Diane Marie Santos sa tunay na buhay), isang araw matapos mailibing ang biktima.

Aminado umano ang pamilya ni Rejoice na blangko pa rin sila tungkol sa katauhan ng salarin at kung ano ang posibleng motibo sa pagpatay sa biktima.

Iniimbestigahan na rin ng pulisya ang mga tao na huling nakasama ni Rejoice bago ito nakitang patay, at may tama ng bala ng baril sa ulo sa Tabang Exit sa North Luzon Expressway noong Disyembre 31. 

Ayon sa ina ni Rejoice na si Nieves Santos, may naikuwento sa kanya ang anak tungkol sa tao na susundo sa kanya ilang araw bago ito pinatay.

"Sa mga nakakita sana sabihin niyo na ang totoo kung ano talaga ang nangyari para ma-solve na itong kasong ito. Kasi nahihirapan din naman kami," pakiusap ni Gng Nieves. - FRJimenez, GMANews.TV

No comments:

Post a Comment