Tuesday, January 11, 2011

Regine Velasquez: No pressure to have kids

Kina-career daw ni Regine Velasquez ang pag-aasikaso sa kanyang mister na si Ogie Alcasid. Pero pagdating sa baby, ayaw daw ng singer-actress at host na i-pressure ang sarili at ang kanyang mister.

Matapos ang makasaysayang kasalan last December sa Batangas, balik na sa trabaho si Regine para sa bago niyang soap na I Heart You Pare with Dingdong Dantes.

Naabutan ng GMA News na naka-costume pa si Regine as gay na kanyang karakter sa naturang soap. Kahit medyo masama ang pakiramdam, itinuloy pa rin ng Asia’s Song Bird ang taping.

"Parang nanganganay lang pero pareho pa rin naman kasi the same people I’m working with. Yun nga lang medyo mahirap kasi medyo I’m not feeling very well," kuwento ni Regine kay entertainment reporter Audrey Carampel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.


For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Sobrang nag- e-enjoy daw si Regine bilang Mrs Alcasid. Noong nakaraang Christmas ay naging abala daw siya sa pagluluto para kay Ogie.

Natatawa ring ikinuwento ni Regine na mas madalas silang mag-date ngayon ni Ogie kung kailan naging mag-asawa na sila.

“Date kami nang date. Ang cute nga kasi kung kalian kami naging mag-asawa saka kami nagdi-date...labas kami nang labas basta nung New Year after Christmas, after New Year nakakalat lang kami lagi," dagdag niya.

Pero pagdating sa pagkakaroon ng anak, sinabi ni Regine na mag-abang na lang ang lahat dahil ayaw din niyang i-pressure ang sarili at si Ogie.

“Mag-abang muna tayo kasi ako din nag-aabang," pahayag niya. “I don’t wanna put pressure sa sarili ko at saka sa kanya (Ogie)." - FRJImenez, GMANews.TV

No comments:

Post a Comment